Maliban sa pagpapalakas sa kabuhayan ng mga mangingisda ay makatutulong din ang pinagtibay na Blue Economy Bill ng Kamara para tugunan ang epekto ng climate change.
Ayon kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, isa sa pangunahing layunin ng panukala ay ang siguruhin ang responsableng pangangasiwa sa mga dagat at baybayin ng bansa.
Para sa mambabatas napapanahon ang pag-apruba sa panukala kasunod ng ginanap na United Nations Global Climate Summit sa Dubai nito lang nakaraang buwan.
Ipinapakita kasi nito ang pagsuporta ng Kongreso sa pagnanais ng buong mundo na maging matatag ang bawat bansa mula sa epekto ng climate change.
Punto ni Villafuerte na sa pag-iingat sa ating mga baybayin at karagatan, hindi lamang lalakas ang huli ng mga mangingisda ngunit titiyakin ding mapapangalagaan ang coastal atmarine ecosystem para tuloy-tuloy itong mapakinabangan.
Sa ilalim ng Blue Economy bill, bubuuin ang National Coast Watch Council (NCWC) para makapaglatag ng isang istratehiya kung paano mapangasiwaan ng maayos ang coastal at marine resources ng bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes