Naniniwala ang BMI Fitch Solutions Company na sisimulan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang kanilang rate cut sa pangalawang bahagi ng taon.
Sa inilabas na statement ng BMI Research, ang pagluwag ng interest rate ng BSP sa second half of 2024 ay parehas sa gagawing aksyon ng iba pang sentral banks sa mundo.
Base sa kanilang forecast, 75 basis points ang ibabawas kasunod ng inaasahang adjustment ng US Federal Reserves.
Paliwanag ng BMI, ang “pre-emptive” na monetary loosening ay hindi lamang magdudulot ng mataas na inflation bagkus hihina din ang piso.
Anila, kabilang sa “biggest uncertainty” ay ang epekto ng El Niño sa bansa na maaring magdulot ng mataas na presyo ng pagkain na maaring maging dahilan ng BSP ng muling paghihigpit sa monetary policy. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes