Binigyang diin ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang kahandaan ng customs na maabot ang halos isang trilyong pisong target collection nito o ang P959 billion para sa calendar year 2024.
Ginawa ni Rubio ang pahayag matapos bumisita sa BOC ang bagong talagang secretary of finance na si Finance Secretary Ralph G. Recto.
Inilatag ni Rubio ang mga istratehiya nito para mapataas pa ang koleksyon ng 15 to 20 percent sa 2024.
Ito aniya ay sa pamamagitan ng mas matinding monitoring at patuloy na pagpapatupad ng modernization projects.
Kasabay nito ay iprinesenta din ni Rubio ang matagumpay na 2023 collection ng customs kung saan nalagpasan nito ang kanilang target at nakakolekta ng P883 billion na mas mataas ng P9 billion sa dapat sana ay nasa P874 billion lang na koleksyon. | ulat ni Lorenz Tanjoco