Kasalukuyang sinusuri ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang credentials ng mga ipinadalang ekonomista ng International Monetary Funds na siyang magsasagawa ng review and assesments sa ekonomiya at economic-related policies and issues ng Pilipinas.
Ayon kay BSP Governor Eli Remolona, nais ng Bangko Sentral na matiyak na ang itatalagang mga kinatawan ng IMF ay may sapat na credentials para aralin ang estado ng bansa.
Ito ay bilang bahagi ng Article IV agreement na bilang miyembrong bansa ng IMF, nagpapadala ito ng mga kinatawan upang magsagawa ng misyon kung saan nagkakaroon ng bilateral talks sa economic team ng gobyerno para sa financial and economic information.
Aniya, sa kaniyang pinakahuling pagbisita sa IMF sa Washington, ipinalaam niya sa multilateral creditor na tila kulang ang mga hinahanap na impormasyon ng kanilang unang ipinadalang staff upang mas realistic ang assessment sa bansa.
Nais sana niya na ang IMF economist na ipapadala sa Pilipinas ay may published research bilang indikasyon ng kaniyang academic success.
Sa mga nakaraang taon, wala namang komento ang BSP sa uri ng IMF staff na nagsasagawa ng assessment pero hindi anya ibig sabihin nito ay nagpapakumpiyansa na ang BSP.
Maaalalang una nang nagpahayag si Remolona ng lending commitment ng Pilipnas sa IMF na naglalayong tumaas ang quota payment ng bansa upang mapalawak ang ating lending requirements. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes