Sa layuning mapabuti ang efficiency at kaligtasan sa sistema ng pagbabayad, ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay magpapatupad ng mga reporma sa clearing at settlement ng mga tseke.
Ayon sa amendments na inilabas ng BSP, pinapayagan na nito ang mga bangko na ibalik ang mga high value, “not sufficiently funded” (NSF), at defective checks sa kaparehas na araw kung kailan nadeposito ang mga ito upang mabawasan ang mga problema kaakibat ng settlement at sa liquidity.
Ang inamyendahang patakaran din ay nagbibigay kasiguruhan sa fund transfer at nagpapatas ng kumpiyansa sa check clearing system kasama ang pag-facilitate ng mas maayos na fund management.
Dagdag pa rito, hindi na pinapayagan ng BSP ang mga bangko na magkarOon ng overdrafts sa check clearing, na nagtatanggal sa pangangailangan ng Overdraft Credit Line (OCL) ng BSP.
Layunin ng reporma na ito na mapabilis ang pagproseso ng mga tseke nang hindi naapektuhan ang kakayahan ng mga financial consumer na agarang makapag-withdraw ng kanilang mga check deposits. | ulat ni EJ Lazaro