Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang muling pag-iral ng volcanic smog or vog sa Bulkang Taal.
Batay sa 24-hour monitoring ng PHIVOLCS, muling nagkaroon ng vog sa bulkan gaya noong nakaraang araw.
Umabot sa 10,933 tonelada ang ibinugang volcanic sulfur dioxide (SO2) sa crater ng bulkan na may upwelling pa rin ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake.
Tuloy-tuloy din ang malakas na pagsingaw sa nakalipas na mga araw na umaabot sa 2,400 metro ang taas.
Sa kabila nito, wala namang naitalang anumang volcanic earthquake sa bulkan sa nakalipas na 24-oras.
Nananatili pa ring nakataas ang Alert Level 1 sa Taal Volcano. | ulat ni Merry Ann Bastasa