Buong hanay ng LTO, paiimbestigahan ni LTO Chief Mendoza kaugnay ng nabistong nakaw-plaka sa planta ng ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na magpapatuloy ang kanilang malalimang imbestigasyon sa nabistong nakaw plaka modus sa loob mismo ng planta ng ahensya.

Kasunod ito ng pagkakaaresto kahapon ng tatlong empleyado ng LTO na naaktuhang nagpupuslit ng plaka sa ahensya.

Ayon kay Asec. Mendoza, ito ang unang pagkakataon na natimbog ang isang modus ng sindikato sa loob mismo ng LTO Central.

Paliwanag nito, habang nakikipagtulungan sa imbestigasyon sa kaso ng tatlong naarestong suspek, patuloy itong magkakasa ng all out probe sa mga opisyal at empleyado ng buong ahensya upang matukoy ang lawak ng operasyon ng sindikato.

Giit ng LTO chief, wala itong kukunsintihin at palulusuting empleyado na sangkot rito.

Sa imbestigasyon ni LTO Intelligence and Investigation Chief Renante Melitante, lumalabas na may 38 vehicle plates na ang na-manufacture ng grupo mula January 6, 2024 hanggang January
10, 2024.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Special Group, maaaring nagagamit sa iligal na aktibidad ang mga plakang nabili sa grupo gaya ng doble plaka at labas-casa scheme.

Kaugnay nito, pinabubusisi na ni Mendoza ang pag-audit sa mga car plates na naisyu mula taong 2018 hanggang sa kasalukuyan upang malaman kung gaano karaming plaka na ang napuslit ng grupo. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us