Nagpaalala na rin ang Caloocan LGU sa mga taxpayer sa lungsod na asikasuhin na ang pagbabayad ng kanilang Business at Real Property Tax.
Sa inilabas nitong Tax Advisory, nakasaad na may diskwentong matatanggap ang mga taxpayer na maagang magbabayad ng buwis.
Para sa business tax, may alok na 10% discount kung babayaran ng buo ang buwis bago o sa mismong January 20, 2024.
Para naman sa amilyar, magkakaroon ng 15% diskwento kung mababayaran ng buo ang buwis bago ang January 31, 2024, 10% kung makakapagbayad bago ang February 29, 2024, habang 5% discount kung mababayaran ng buo ang buwis bago ang March 31, 2024.
Maaaring asikasuhin ang tax obligations sa City Treasury Department sa Caloocan City Hall-South, at sa KAI Mall Caloocan City-North. | ulat ni Merry Ann Bastasa