Naikabit na ang bagong 115-kilovolt capacitor bank ng Manila Electric Company (Meralco) sa Duhat, Substation nito sa Bocaue, Bulacan.
Layon nitong maghatid ng ligtas, maasahan, at tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa mga customer ng Meralco sa nasabing lugar.
Ayon sa Meralco, bahagi ng proyekto ang paglalagay din ng 50 megavolt-ampere reactive, 115 kilovolt 63 kA power circuit breaker, at iba pang kagamitan upang lalo pang mapabuti ang kalidad ng kuryente sa lugar.
Makatutulong ang bagong capacitor bank upang mabawasan ang voltage drop at system loss, at
mapabuti ang voltage regulation upang maging mas maayos ang sistema nito.
Bukod pa dito, sinabi ng Meralco na makatutulong din ito para maiwasan ang antala sa serbisyo ng kuryente dahil sa kakulangan ng megavolt-ampere reactive sa ilang bahagi ng Bocaue, Bulacan at mga kalapit na lugar. | ulat ni Diane Lear
Photo: Meralco