‘Catch-Up Fridays’ suportado ni Sen. Sherwin Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang pagpapatupad ng Department of Education (DepEd) ng ‘Catch-Up Fridays’ para iangat ang kakayahan ng mga mag-aaral pagdating sa pagbabasa.

Binigyang-diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagpapatupad ng programa lalo na’t karamihan ng mga mag-aaral sa bansa ay hirap sa pagbabasa.

Pinunto  ng senador ang datos mula sa 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), 76% ng mga mag-aaral na 15-taong gulang ang hindi taglay ang minimum proficiency sa Reading o pagbasa.

Giit ng senador, mahalagang suportahan ang programang ‘Catch up Fridays’ ng DepEd na tutugon sa pangangailangan ng mga estudyanteng Pinoy.

Inilunsad ng DepEd ang ‘Catch-Up Fridays’ noong January 12 kung saan ipatutupad  ito sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa elementarya at high school, pati na rin sa mga community learning centers (CLCs) sa buong bansa.

Sa kautusan ng DepEd ay ilalaan ang ‘Drop Everything and Read’ activity sa lahat ng mga araw ng Biyernes sa buwan ng Enero.

Bahagi ang ‘Catch-Up Fridays’ ng National Reading at Mathematics Programs na parehong nasa ilalim ng National Learning Recovery Program.  | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us