Ipinapakita lamang ng China ang pagiging arogante nito sa naging reaksyon sa ipinaabot na mensahe ng pagbati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa bagong halal na presidente ng Taiwan.
Ayon kay House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers, tila itinuturing ng China ang Pilipinas na subject nito sa ginawang pagkondena sa congratulatory message ni PBBM.
Diin ni Barbers, wala silang soberanya sa ating bansa kaya’t wala rin silang karapatan na pigilan ang ating pagpapahayag ng saloobin.
“We are not your subjects and our country is not a vassal state that owes allegiance to China. Do not treat us like one, not even in your wildest dreams and imagination. Hindi pa man eh umaarte na kayo na may-ari ng Pilipinas pati mga bibig namin gusto nyo na din i-water cannon. Ni katiting na soberenya wala kayo dito tapos pati karapatan namin maghayag ng saloobin pipigilan ninyo? Did we empower you in any way to draft an IRR on our Constitution that gives you the right to amend our Bill of Rights?”, giit ni Barbers.
Sabi pa ng Surigao solon na ilalaban ng Pilipinas ang ating kalayaan at karapatan bilang isang malayang bansa.
“Make no mistake about it, we will fight to keep our freedom, independence and our rights as a sovereign nation. Whoever threatens our free existence, we shall fight against and resist to the last man”, diin ni Barbers. | ulat ni Kathleen Jean Forbes