Nirespondehan ng mga personahe ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fire Protection (BFP) kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng bayan ng Baganga, Davao Oriental ang mga stranded na residente sa nasabing lugar dahil sa pagbaha.
Sa report mula sa Coast Guard District Southeastern Mindanao, nagsagawa ng rescue operation ang Coast Guard District Sub-Station Baganga, Baganga Fire Station at MDRRMO sa Sitio Anislagan, Brgy. Mahan-ob dahil sa insidente ng pagbaha ngayong hapon, Enero 29, 2024.
Aabot sa walong stranded kabilang ang isang injured ang na-rescue at na turn-over sa kinauukulang ahensya para sa atensyong medical.
Sa ngayon, ayon sa report, lubog sa baha ang kalsada at ilang daanan sa nasabing bayan.| ulat ni Armando Fenequito| RP1 Davao