Mangilan-ngilan na lang ang katubigan sa bansa ang apektado ng Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide.
Batay sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ang mga baybaying dagat na lamang ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Lianga Bay sa Surigao del Sur; at San Benito sa Surigao del Norte ang apektado pa sa red tide.
Lahat ng shellfish o lamang dagat na nakolekta at nasuri mula sa mga baybaying dagat ay positibo pa rin sa toxic red tide na lagpas sa regulatory limit.
Bunga nito, pinaalalahanan ang publiko na hindi pa ligtas sa human consumption ang mga shellfish at iba pang lamang dagat sa mga nabanggit na katubigan.
Maliban sa mga isda, pusit, hipon at alimango, basta’t sariwa at linising mabuti bago lutuin. | ulat ni Rey Ferrer