Mariing pinabulaanan ng Commission on Elections (Comelec) na may nag-pressure sa kanila para suspindihin ang proseso ng People’s Initiative (PI).
Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, walang tumawag sa kanila para itigil ang pagtanggap ng mga lagda na may kinalaman sa People’s Initiative.
Ang paglilinaw ay ginawa ng komisyon sa kabila ng mga usapin na posibleng may nag impluwensya sa kanila kaya sila nagdesisyon na ipahinto ang proseso ng PI.
Nais lamang daw ng Comelec na maging klaro sa taumbayan kung ano ang guidelines at rules na gagamitin para sa pagsasagawa ng preparatory proceedings.
Walang ibinigay na timeline ang Comelec kung hanggang kailan ang indefinite suspension ng People’s Initiative. | ulat ni Michael Rogas