Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang commitment ng Sandatahang Lakas sa Bangsamoro Peace Process.
Ito’y sa isinagawang “Recommitment Ceremony towards a Vibrant Bangsamoro” sa Grand Hyatt Hotel sa Taguig, kahapon.
Kasama ng AFP Chief sa aktibidad na inorganisa ng Principles for Peace Foundation si Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr.; mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao; at mga representante ng iba’t ibang sektor.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Gen. Brawner na higit sa lahat, ang mga sundalo ang nag-aasam ng pangmatagalang kapayapaan.
Binigyang diin ng Heneral na seryoso ang militar pagdating sa ikatatagumpay ng prosesong pangkapayapaan. | ulat ni Leo Sarne
📷: SSg Ambay/PAOAFP