Muling nanguna si ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo sa iboboto ng mga Pilipino bilang senador sa 2025 Midterm Elections, ayon ‘yan sa survey ng OCTA Research Group.
Sa naturang survey, tinanong ang mga respondent kung sino ang ibobotong senador sa susunod na eleksyon.
Dito, nanguna si Tulfo na nakakuha ng 76% voting preference. Pumangalawa naman si Sen. Christopher “Bong” Go na nakakuha ng 53%, at sinundan ni dating Senador Vicente “Tito” Sotto III na may 48% voting preference.
Kasama rin sa Top 5 sina Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, at Sen. Imee Marcos.
Bahagi rin ng Top 20 sina Sen. Bong Revilla na nasa Rank 6-10, sinundan nina Sen. Francis Tolentino, Dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Dating Senador Panfilo “Ping” Lacson na nasa Rank 6-11.
Pasok din dito Sen. Pia Cayetano na nasa 6-12 rank, ex-Vice Pres. Jojo Binay at Sen. Lito Lapid.
Isinagawa ang naturang survey mula Dec. 10-14, 2023 sa pamamagitan ng pakikipanayam sa 1,200 Pinoy sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa