Naitala ng OCTA Research Group ang pagbaba sa 7-day positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19 sa Metro Manila.
Sa datos na inilabas ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, as of January 2, ay bumaba sa 19.9% ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) mula sa 24.7% noong December 26.
Tinukoy rin nitong nag-peak na ang positivity rate sa NCR noong huling linggo ng Disyembre.
Dahil dito, posibleng magtuloy-tuloy na ang pagbaba ng positivity sa mga susunod na linggo. | ulat ni Merry Ann Bastasa