Palalakasin ng Bureau of Customs ang kampanya nito kontra sa smuggling sa bansa.
Sa paghaharap ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio kay Finance Secretary Ralph Recto, sinabi nito na palalakasin ng customs ang boarder control sa pamamagitan ng maayos na pakikipag ugnayan sa ibat ibang law enforcement agencies sa bansa.
Kabilang aniya dito ang sharing of information laban sa mga illicit goods, contraband, drugs at high value commodities na may malaking banta sa koleksyon ng kanyang ahensya.
Dagdag pa ni Rubio – magpapatupad din sila ng National Customs Intelligence System (NCIS) para mas mapaghusay pa ang mga intel reports, support case build-up, at makapag sagawa ng risk profiling at analysis para mas maging epektibo ang laban kontra sa smuggling.
Kasabay nito ay tiniyak din ng customs ang patuloy na pag streamline at digitalization ng kanilang mga proseso para mas mapadali ang mga transaksyon sa kanilang ahensya gaya na lamang ng customer care at maisulong ang transparency sa kanilang opisina. | ulat ni Lorenz Tanjoco