Patuloy na pinaiigting ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang hakbang nito para matugunan ang mga insidente ng cyber attack sa bansa.
Batay sa pinakahuling tala nito, aabot sa 1,834 cyber incidents ang naaksyunan ng DICT, sa pamamagitan ng Cybersecurity Bureau-National Computer Emergency Response Team (NCERT).
Mas mataas ito ng 66.44% kumpara sa 1,129 incidents noong 2022.
Ayon sa DICT, indikasyon ito ng dedikasyon ng ahensya sa pagtugon laban sa mga cyber threats at masiguro ang ligtas na online environment sa publiko.
Samantala, nakalatag na rin ang National Cybersecurity Plan (NCSP) 2023-2028 na nakatutok sa tatlong strategic outcomes kabilang ang pagpapaigting ng cybersecurity policy framework, at pagpapataas ng cybersecurity workforce capabilities.
“The Department is likewise all-in on prioritizing data privacy and ensuring robust protection of Filipinos in the digital realm.“ | ulat ni Merry Ann Bastasa