Ayon kay DA-10 Field Operations Division Chief and Disaster Risk Reduction Management focal person Luz Guzman, ang layunin ng nasabing pulong ay masapinal ang istraktura ng Food Security Cluster na siyang responsable sa pagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka at magsiguro na mayroong pagkain sa panahon ng El Niño.
Dagdag pa ni Ms. Guzman kailangan magkaisa ang DA, mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan para makamit ang mga hakbang na inihanda ng food security council.
Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga representante ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Budget and Management (DBM), Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC), Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC), Philippine Coconut Authority (PCA), National Food Authority (NFA), at ang Agricultural Training Institute (ATI).
Dumalo rin sa pagpupulong si Deputy Project Director Joel S. Rudinas ng Mindanao Inclusive Agriculture Development Project at si DRRM Focal Alternate Person Gay Nannete M. Aleria at si DA-10 CERRMU Focal Sherapin Simon P. Calacar.
Nagkasundo ang mga kinatawan ng mga iba’t-ibang ahensya na kanilang ipresenta ang kanilang mga action plan para sa mga hakbang na kanilang gawin sa epekto ng El Nino sa kanilang sunod na pagtitipon. | ulat ni Cocoy Medina | RP1 Cagayan de Oro
Photo: DA-10