Isang kasunduan ang nilagdaan ng Department of Agriculture (DA) at Ministry of Industry and Trade of Vietnam para sa pagpapalakas ng koopersayon sa kalakalan ng bigas.
Pinangunahan ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at MIT Minister Nguyen Hong ang pagpirma ng Memorandum of Understanding (MOU), na magsisilbing framework para sa pagtataguyod ng sustainable rice trade cooperation ng Pilipinas at Vietnam.
Nangako ang Vietnam na magsusuplay sa bansa ng 1.5 hanggang 2 million metric tons ng white rice kada taon.
Sa ilalim ng kooperasyon, limang taon na magpapalitan ng kaalaman ang Pilipinas at Vietnam para sa rice production, crop situation at import and export needs.
Nagkasundo rin ang dalawang bansa na magtulungan para sa paglaban sa illegal rice trade at sa pagpapatupad ng patakaran sa pagpapabilis ng export. | ulat ni Rey Ferrer