Pinulong ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang regional fisheries councils upang matukoy ang mga hamon na kinakaharap sa produksyon ng isda at iba pang aquatic resources.
Iba-iba ang sumulpot na rekomendasyon ng mga Regional fisheries Council sa mga istratehiya sa pagpapaunlad ng fisheries sector.
Kabilang sa mga naging mungkahi ay ang paglikha ng Department of Fisheries and Aqua-Culture, pagbuo ng inland fisheries at hatcheries sa mga lugar sa kabundukan, at ang paglalagay ng mga cold storage facility, at paglikha ng laboratories para sa biosecurity concerns.
Sa ngayon ay pinaplantsa na ng DA ang 10-point agenda para tugunan ang mga isyu na sagabal sa pag-unlad ng sektor ng pangisdaan sa bansa.
Alinsunod na rin ito sa kautussn ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing moderno ang agricultural sector at mapatatag ang suplay ng pagkain. | ulat ni Rey Ferrer