Nakipagpulong si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. sa ilang meat traders sa bansa sa pangunguna ng Meat Importers and Traders Association (MITA).
Kabilang sa dumalo sa pulong si MITA President Jess Cham na ginanap sa tanggapan ng DA noong January 3.
Sa naturang pulong, hinikayat ni Sec. Laurel ang mga kinatawan ng MITA na aktibong makipag-ugnayan sa meat regulatory agencies para maresolba ang ilan sa mga hamong kinahaharap ng serktor partikular sa kanilang concerns sa frozen pork at poultry products.
Sa panig naman ng DA, tiniyak ng kalihim na masusing irerebyu ang mga polisiya at pag-iisyu ng food safety guidelines at masiguro rin ang balanseng kalakaran sa meat industry. | ulat ni Merry Ann Bastasa