Walang ikinukonsidera sa ngayon ang Department of Agriculture na suggested retail price (SRP) sa agricultural products, partikular na sa bigas.
Ito ang nilinaw ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr.
Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na gaya ng sitwasyon sa international market ay pabago-bago ang presyo ng agri-products ngayon dahil na rin sa epekto ng El Niño.
Dahil dito, hindi aniya iminumungkahi ng DA na makontrol ang presyo ng mga produkto sa kasalukuyan.
“We’re not doing it. Prices of rice and other agricultural products in international markets like Thailand and other countries are volatile and fluctuating due to El Niño. Hence, we’re not suggesting to control prices at the moment,”
Paglilinaw pa ng kalihim, ang naunang mungkahi sa SRP ay ideya lamang at posibleng opsyon sa ilalim ng Republic Act 7581 o ang Price Act.
Tinukoy rin ni Sec. Tiu na kadalasang mga magsasaka ang nahihirapan kapag nagkakaroon ng price limit dahil kinokontrol lang din ito ng traders.
“In most cases, farmers bear the brunt of a price limit because traders will only lower their purchase prices to keep their margins. Consumers also don’t benefit in such a situation. It could also fuel price speculation and supply hoarding that evolves into another problem altogether.”
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Sec. Tiu na doble kayod na rin ang DA para masiguro ang sapat na suplay ng agricultural products sa bansa lalo na ang bigas.
“We’re building up a buffer, largely through importation, to ensure we have ample supply of rice as we await the next harvest starting March. This should help keep prices stable without government intervention.” | ulat ni Merry Ann Bastasa