Iminungkahi ni Manila Representative Joel Chua na magkaroon ng dagdag na linya ng tren sa C5 at sa ilalim ng Skyway.
Ito aniya ay upang maibsan ang sikip ng trapiko sa EDSA na aniya ay naging masyado nang congested ngayon.
Naniniwala si Chua na malaking kaginhawaan ito lalo na sa mga biyahero na residente ng C5 at Skyway.
“EDSA is too congested, so to give commuters options other than EDSA, there should be another light rail line on C-5 and under the Skyway. Having these two light rail lines will decongest EDSA and make the commute easier for residents near C-5 and Skyway.” sabi ni Chua.
Isa pa sa suhestyon ng mambabatas ay dagdag na tulay patawid ng Pasig River para naman mapaluwag ang trapiko sa iba pang pangunahing lansangan.
Maigi aniya na magkaroon ng 2nd level ang Guadalupe Bridge.
Ngunit maaari lamang aniya ito ikonsidera kung matapos na ang retrofitting ng naturang tulay.
Kaya naman hiling nito sa Department of Finance at Department of Public Works and Highways na magbigay ng update sa Kamara patungkol sa loan agreement para sa naturang pagsasaayos ng Guadalupe bridge. | ulat ni Kathleen Forbes