Tina-target ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. na iangat sa 211 milyong litro ang water-storage capacity nito sa 2026.
Kasunod na rin ito ng kontruksyon ng apat na bagong reservoir sa iba’t ibang bahagi ng West Zone.
Kabilang dito ang mga bagong reservoir sa Quezon City, Valenzuela, at Muntinlupa — na nagkakahalaga ng ₱2.8-billion, at bahagi ng ₱220-billion service enhancement program ng Maynilad mula 2023-2027.
Ayon sa Maynilad, oras na makumpleto ito, makatutulong ito para ma-improve ang availability at pressure ng tubig sa mga sinusuplayan nitong lugar.
Ibig sabihin, dagdag na 211 ML na potable water ang magiging accessible para i-distribute sa customers na nasa matataas na lugar tuwing peak demand.
“Households in elevated areas are typically affected by low water pressure whenever the demand goes up. Having more reservoirs will help to maintain supply availability despite strong water withdrawals from households in low-lying areas, so we’re building more of these storage facilities in strategic locations,” pahayag ni Maynilad Chief Operating Officer Randolph Estrellado. | ulat ni Merry Ann Bastasa