Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na ipatupad ang data-driven information system sa bawat planting season upang matugunan ang overproduction ng agricultural products sa merkado.
Sa pulong kasama ang agriculture officials sa Malacañang, sinabi ng pangulo na dapat equip ang mga magsasaka ng mga kinakailangan impormasyon, upang malimitahan ng mga ito ang produksyon ng agri-products sa mga pananim na in demand o mabi-benta sa merkado sa bawat partikular na season o panahon.
Sa ganitong paraan ayon sa pangulo, maiiwasan ng bansa na magkaproblema sa over produce ng ani, nabubulok na produkto, at hindi mabenta na prutas at gulay.
“It’s another part of data-driven decisions that we give to the farmers, the producers. Kung ano ang mabenta at this time, this season. So that hindi natin maririning ‘yung mga balita na nag-over produce, hindi mabenta, nabubulok na lang, pinamimigay na lang.” —Pangulong Marcos.
Kung matatandaan, sa sectoral meeting sa Malacañang, ngayong araw (January 16), inilatag ni Agriculture Secretary Francisco Laurel ang three-year plan nito para sa agri sector ng bansa, upang masiguro ang food security ng Pilipinas.
“We also have a very big move on the logistics ‘no – 30% of our produce especially of vegetables is gone because of wastage ‘no, because of the poor logistics system in our food supply chain. If we can lessen or hopefully almost eliminate iyong losses na iyon, that will be equivalent to at least 10 to 15 percent less cost sa ating mga vegetables and high-value crops like fruits.” —Secretary Laurel.
Kabilang dito ang digitalization na layong iangat ang agri-fisheries sector, sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman sa decision-makers, mga magsasaka, food producers at consumers, kalakip ng teknolohiya at mga advance na kagamitan.
“We intend to reorganize DA nga din to be more less regulatory but still effective supposedly in regulations and food safety… but more developmental ‘no. We have to produce more, we have to produce more of everything to address the needs of our… in ever-increasing population. So, that’s basically it in a nutshell.” —Secretary Laurel.| ulat ni Racquel Bayan