Ibinalita ni Jerrielyn Lewis, Chief ng City Population Division, na ang pagpapatayo ng men’s health center ay pagbibigay ng emphasis at tutokan ang serbisyong medikal para sa mga kalalakihan lalo na ang prostate cancer at iba pang personal sexual issues.
Umaasa si Lewis na maumpisahan ngayong taon ang pagpapatayo ng nasabing pasilidad ganundin ang paghahanda ng disenyo, staff na may sapat na kaalaman sa health related issues ng mga lalaki.
Sinisiguro naman ni Lewis na magpapatuloy ang kanilang tanggapan na palakasin ang paglaganap ng impormasyon ukol sa kalusugan ng mga kalalakihan sa pamamagitan ng lectures kabilang dito ang diskusyon ukol sa gender sensitivity at peligrosong lifestyle ng mga kalalakihan. | ulat ni Macel Dasalla | RP1 Davao
Photo: Davao City Population Office