Upang maipagdiwang pa rin ang bagong taon, naghanda ng pagkain at nagpaabot ng tulong si Davao City Rep. Paolo Duterte sa mga biktima ng magkakahiwalay na sunog sa Davao City.
Sa ikinasang Pulong Pulong ni Pulong (PPP) Program ng mambabatas, nagkaroon ng handaan sa bisperas ng bagong taon para sa may 500 biktima ng magkahiwalay na sunog na naganap noong December 27 at December 31.
Maliban sa pagkain, naabutan din sila ng cash aid at mga damit, lalo na para sa mga bata.
Ang mga nasunugan naman sa Brgy. Calinan nitong a-uno ng Enero ay makatatanggap ng tulong pinansyal ngayong araw, Enero 2, 2024. | ulat ni Kathleen Jean Forbes