Suportado ni Budget and Management Sec. Amenah F. Pangandaman ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay dating Senador Ralph Recto bilang bagong Finance Secretary .
Ito ay matapos bumalik si Secretary Benjamin Diokno sa Bangko Sentral ng Pilipinas bilang Monetary Board member.
Ayon kay Pangandaman, naniniwala aniya siya sa kaalaman ni Pangulong Marcos at makakaasa si Sec. Recto ng kanilang buong suporta bilang bagong miyembro ng economic team.
Kasabay nito ay nagpasalamat naman ang DBM kay outgoing Finance Sec. Diokno.
Paliwanag ni Pangandaman na naging “guiding light” ng economic team si Diokno kung saan vision umano nito ang Medium-Term Fiscal Framework, na ginamit namang angkla ng administrasyon.
Si diokno din aniya ang nanguna sa pagbawi ng Pilipinas matapos ang pandemya kung saan nakapagtala ang bansa ng 7.6% na GDP noong 2022. | ulat ni Lorenz Tanjoco