Pinuri ng Philippine Business Education (PBEd) ang ginawang hakbang ng Department of Education (DepEd) na alisin na nito ang mga gawain ng mga guro na hindi konektado sa pagtuturo.
Ayon sa Executive Director ng PBEd na si Justine Raagas, mahalaga ang hakbang na ito sa pagbibigay daan sa mga guro upang matuon lamang ang kanilang panahon sa pagbabahagi ng kaalaman.
Maliban sa malaking kabawasan sa gawain ng ma guro, inihayag din ng PBEd ang rekomendasyon nito sa pakikilahok ng mga volunteer o para-teachers sa mga programa sa pagpapabuti ng kasalukuyang sistema.
Habang sa presentasyon ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte, inilahad nito ang mga paparating na patakaran ukol sa mga gawain at sahod ng mga guro. | ulat ni EJ Lazaro