Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) ang full operation ng Energy Reserve Market upang matiyak na sapat at reliable ang kuryente sa bansa.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla ay nakahanda ang Energy Reserve Market na mag-dispatch sakaling kakapusin ang grid.
Dagdag pa ng kalihim na ang Whole Electricity Spot Market (WESM), katuwang ang Philippine Electricity Spot Market Corporation, ang pangunahing mangangasiwa sa pagbalanse ng dispatch ng energy reserves sa buong grid ng bansa.
Muli namang iginiit ng DOE na magiging maayos na ang supply ng kuryente sa ating bansa dahil tutulong na sa pagdispatch ng power supply ang energy reserve market. | ulat ni AJ Ignacio