Tututukan ng DepEd ngayon taon ang pagsusulong ng kapakanan ng mga guro. Ito ang iniulat ni Vice President Sara Duterte sa Basic Education Report 2024, ngayong hapon sa Pasay City.
Ayon sa Bise Presidente, bukas ilalabas ang department order para sa pag-aalis ng administrative tasks sa mga guro.
Kukuha aniya ng 5,000 staff support ang DepEd na sasalo na bibitawang admin task ng mga guro.
Para sa iba pang hakbang na layong bawasan ang workload ng mga guro, maglalabas ng polisiya ang DepEd para sa Teaching Overload Pay,
Magbibigay rin ang DepEd ng overtime pay sa mga guro. Habang itataas rin ang cap para sa ‘service credits earned’ mula sa kasalukuyang 15 araw patungong 30 araw.
Patuloy rin aniya ang gagawin nilang pagpapalakas sa hanay ng mga guro, sa pamamagitan ng mga pagsasanay, pagdaragdag ng staff, at pagbibigay ng kinakailangang trainings at scholarship programs. | ulat ni Racquel Bayan