Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na palalawigin nito ang Senior High School (SHS) Voucher Program sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) para sa School Year 2024-2025.
Sa opisyal na pahayag na inilabas ng DepEd, sinabi nitong marami pa ring SUCs at LUCs ang tumatanggap ng Grade 11 students ngayong school year.
Ito ay sa kabila ng naunang inilabas na kautusan ahensya na hindi na maaaring tumanggap ng Grade 11 voucher beneficiaries ang SUCs at LUCs simula School Year 2023-2024.
Ginawa ng DepEd ang hakbang upang maipagpatuloy at matapos ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral sa Grade 12 sa School Year 2024-2025.
Maglalabas naman ng Memorandum of Agreement ang DepEd upang gawing pormal ang kasunduan sa Commission on Higher Education.| ulat ni Diane Lear