Pinahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nirerespeto ng mataas na kapulungan ang desisyon ng Sandiganbayan sa mga kaso laban kay Senador Jinggoy Estrada.
Ito ay matapos lumabas ang desisyon ng Sandiganbayan fifth division sa kaso ni Estrada na may kaugnayan sa pagkakasangkot nito sa multibillion pesos pork barrel scam.
Sa naturang desisyon, inabswelto si Estrada sa kasong plunder pero guilty naman sa mga kasong direct and indirect bribery.
Sa isang pahayag, sinabi pa ni zubiri na kinikilala rin ng senado na may mga remedyo pa na maaaring gawin si Estrada kaugnay ng naging hatol ng korte.
May karapatan aniya ang itong gawin ang lahat ng maaaring gawin sa ilalim ng rules of court.
Kabilang na aniya dito ang paghahain ng ‘motion for reconsideration’ sa Sandiganbayan at paghahain ng ‘appeal by certiorari’ sa Korte Suprema.
Giniit ni Zubiri na hangga’t hindi pinal at executory ang desisyon ay obligado pa ring ipagpatuloy ni Estrada ang kaniyang mga tungkulin bilang senador ng bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion