Mismong si Speaker Martin Romualdez na ang nag-anunsyo sa mga transport group ng desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawigin ang franchise consolidation ng PUV modernization.
Ayon kay Romualdez, tunay na may Diyos dahil narinig agad ng Pangulo ang kanilang hinaing.
Dagdag pa niya na ang tugon na ito ng Presidente ay patunay na siya ay sensitibo at nakikinig sa publiko.
Dapat ay sa January 31, 2024 ang deadline ng franchise consolidation ngunit sa rekomendasyon ni Transportation Secretary Jaime Bautista na kinatigan ni PBBM ay pinalawig ito ng tatlong buwan.
Malaking bagay ani Romualdez ang panahon na ito upang magkaroon ng dayalogo at maisaayos ang mga isyu sa PUV modernization.
Kapwa naman ikinalugod ng grupong Manibela at Piston ang anunsyo ng pangulo ngunit kapwa umaasa na suspindihin muna ang naturang programa hangga’t hindi matugunan ang mga problema sa implementasyon nito.| ulat ni Kathleen Forbes