Nakatakdang maglabas na ng desisyon ang Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) sa kaso ng motorista na tatlong beses nasangkot sa insidente ng road rage sa Quezon City.
Ayon kay LTO-NCR Assistant Regional Dir. Hanzley Lim, nakapagsumite na ng affidavit ang driver.
Gayunman, hindi na binanggit ni Lim kung ano ang depensa ng motorista kung bakit niya nagawa ang pangungumpronta sa tatlong kapwa motorista, kung saan ang ilan dito ay pinakitaan pa niya ng patpat.
Sa ngayon, nananatiling suspendido ang lisensya nito at maging ang kanyang car registration.
Pero lalong uminit ang mata ng publiko sa nabanggit na driver matapos na muling masangkot sa road rage kahit suspendido ang kanyang lisensya at car registration. | ulat ni Diane Lear