Muling iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi pa kailangang magpiyansa ng dalawang Pilipinong OFW na naakusahan sa pagkamatay ng dalawang Japanese national.
Ayon kay DFA Undersecretary For Migrant Workers Eduardo De Vega, hindi pa kailangan magpiyansa ang dalawang OFW dahil wala pa namang naisasampang kaso sa dalawa at patuloy pa ang imbestigasyon ng Japan authorities kung may kaugnayan ang dalawa sa insidente.
Dagdag pa ni De Vega na nasa pre-indictment detension pa ang dalawang OFW at wala pang pormal na kaso sa kanila.
Kaugnay nito, inaantabayanan na ng korte kung may isasampang kaso na laban sa dalawa at nakahanda ang DFA sa anumang magiging sitwasyon ng dalawang Pinoy OFWs. | ulat ni AJ Ignacio