Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na hindi pababayaan ng gobyerno si Mary Jane Veloso.
Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na habang inaapela ang clemency ni Veloso ay magpapatuloy ang gobyerno sa pagbibigay ng legal, consular at welfare assistance sa kaniya.
Patuloy din umano ang pakikipag-ugnayan nila sa Department of Justice sa kaso na isinampa ni Veloso laban sa mga recruiter nito.
Giit ng DFA, mahigpit na tinututukan ni Philippine Foreign Minister Enrique Manalo ang apela sa clemency ni Veloso sa kanyang Indonesian counterpart.
Nabatid na una nang nagpahayag ng pag-asa si Pangulong Marcos Jr., sa posibilidad na mabigyan ng clemency si Veloso na nahatulan ng parusang kamatayan sa Indonesia.
Naaresto si Veloso noong 2010 sa Indonesia dahil sa pagdadala umano ng 2.6 kilograms ng heroin. | ulat ni AJ Ignacio