Patuloy na naka-monitor ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa sitwasyon ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa pagtama ng 7.5 magnitude na lindol sa bansang Japan.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, naka-monitor sila sa sitwasyon ng ating mga kababayan sa Wajima, Ishikawa Prefecture kung saan isa ang mga lugar sa pinakanaapaektuhan sa naturang lindol.
Dagdag pa ni De Vega na sa ngayon walang naiulat sa ating mga kababayan na nasugatan o nasawi sa lindol.
Muli namang siniguro ng DFA na patuloy ang kanilang pagmo-monitor at pagbabantay sa mga kababayan na nasa Japan upang siguruhin ang kanilang kaligtasan at kalagayan. | ulat ni AJ Ignacio