Nanindigan ang Pilipinas na iginagalang at kinikilala pa rin nito ang pinaiiral na One China Policy na nagtuturing sa Hongkong at Taiwan bilang bahagi ng teritoryo ng China.
Ito’y sa kabila ng naging pagbati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Lai Ching-te bilang bagong lider ng Taiwan matapos ang isinagawang halalan doon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang pagbati ng Pangulo sa bagong pinuno ng Taiwan ay bilang pasasalamat ng Pilipinas sa pagtanggap nito sa mga Overseas Filipino Worker (OFWs).
Gayundin, sinabi ng DFA na kinikilala rin ng Pilipinas ang matagumpay namang pagdaraos ng isang demokratikong proseso ng Taiwan.
Batay sa datos ng DFA, aabot sa halos 200,000 Pilipino ang kasalukuyang nasa Taiwan na siyang pinahahalagahan ng bansa. | ulat ni Jaymark Dagala