Inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang digitalization at ang mga technology-driven innovation ang makatutulong upang mas mapabuti ang railway system sa Pilipinas.
Ito ang sinabi ni Secretary Bautista sa isinagawang RAILDX 2024 forum.
Ayon sa transport chief, prayoridad ng DOTr ang digitalization sa railway sector ng bansa at palakasin ang manpower nito sa tulong ng Philippine Railway Institute (PRI).
Sa pamamagitan aniya ng pagbibigay ng mga makabagong kagamitan o teknolohiya sa mga operator, engineer, at iba pang kawani ng railway sector ay mas magiging maayos ang serbisyo sa publiko.
Isa aniya sa halimbawa ng digitalization ay ang state-of-the-art training simulators ng PRI na donasyon ng gobyerno ng Japan.
Binigyang diin ng kalihim, na makatutulong ang mga nasabing kagamitan para sa mga paparating na railway projects ng bansa gaya ng MRT-7, North-South Commuter Railway, Metro Manila Subway Project, at LRT-1 Cavite Extension. | ulat ni Diane Lear