Tiwala si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na malapit nang maresolba ang territorial issue ng Makati at Taguig Cities.
Magagawa aniya ito sa pamamagitan ng constructive at well-meaning talks sa pagitan ng mga pinuno ng dalawang lungsod.
Ipinahayag ito ni Abalos sa muling pagbubukas ng West Rembo Fire Station na nauna nang isinara ng Makati City government, kasunod ng desisyon noon ng Korte Suprema sa paglipat ng hurisdiksyon ng tinaguriang 10 Embo Barangay sa Taguig City.
Kasabay nito, nanawagan ang kalihim para sa walang patid na paghahatid ng serbisyo publiko para sa mga apektadong residente ng Embo barangays na hindi sinasadyang biktima ng alitan.
Pinasalamatan nito si Makati City Mayor Abigail Binay sa pagpayag sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na magamit ang istasyon ng bumbero sa panahon ng “transition,” hanggang sa matapos ang usapin.| ulat ni Rey Ferrer