Binalaan ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Chito Valmocina ang mga barangay officials na dumistansya sa mga nagsusulong ng signature campaign para sa pag-amyenda sa saligang batas.
Kinumpirma ni Valmocina na umiikot sa mga barangay sa buong bansa ang ilang sektor para mangalap ng pirma sa mga residente.
Gayunman, nilinaw ni Valmocina, na hindi nakikialam at walang partisipasyon dito ang barangay officials.
Ipinag utos ng opisyal na imonitor lamang ang ginagawang inisyatiba ng at iwasang makilahok.
Hindi kinumpirma ng opisyal kung may ibinibigay sa mga residente kapalit ng kanilang pirma.
Pinayuhan pa ng DILG official ang mga barangay officials na idetalye ang kanilang report kung may mga kaso ng pamimilit, pananakot at panghaharass sa mga residente para lang pumirma. | ulat ni Rey Ferrer