Wala nang nakikitang problema ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa latag ng seguridad sa Traslacion ng Itim na Nazareno bukas.
Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos Jr., isang daang porsiyento (100%) nang handa ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), MMDA at iba pang ahensya ng gobyerno para sa kapistahan ng Poong Nazareno.
Inaasahang aabot sa mahigit 2 milyong deboto mula sa iba’t ibang lalawigan ang lalahok sa prusisyon ngayong taon.
Sinabi pa ni Abalos na asahan na ang ipapatupad na ‘signal jamming’ sa ilang lugar sa Maynila bilang bahagi ng security measures sa Traslacion ng Itim na Nazareno. | ulat ni Rey Ferrer