Nilinaw ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na walang partisipasyon ang kanyang tanggapan sa anumang hakbang o signature campaign na sumusuporta sa people’s initiative na amyendahan ang Charter.
Ayon kay Abalos, bawal sa ahensiya na makipag-partisipasyon sa people’s initiative, at dapat umanong manggaling ito sa sambayanan.
Dagdag pa niya, bilang isang career service official ng gobyerno, ipinagbabawal silang lumahok sa naturang ehersisyo.
Iginiit ng kalihim na walang masama kung ang isang indibidwal ay gustong pumirma ng signature campaign na sumusuporta sa people’s initiative. | ulat ni Rey Ferrer