Inihain ni OFW Party-list Rep. Marissa Magsino ang House Bill 9828 na magtatatag ng Disability Support Fund para sa mga person with disability (PWD).
Sa ilalim nito, ang National Council on Disability Affairs (NCDA) ang mangunguna sa Disability Support Allowance Program ng DSWD.
Nasa P2,000 tulong pinansyal kada buwan ang ibibigay sa kwalipikadong benepisyaryo.
Ibabatay din ang halaga ng allowance depende sa inflation.
Umaasa si Magsino na sa pamamagitan nito ay mabigyang proteksyon ang mga PWD at makatulong sa kanilang gastusin.
Sakop ng programa ang mga PWD na nakarehistro sa Disability Assessment and Determination System.
Ang inisyal na pagpapatupad ng programa ay gagawin sa unang tatlong taon kung saan prayoridad ang mga anak ng may kapansanan, adults na may moderate at severe disability, at mga PWD na tumatanggap na ng social protection at economic empowerment programs.
Ang ikalawang phase ay para sa registered persons with disabilities na wala o mababa ang sweldo, at yung may mga disability-related extra costs hanggang sa masakop ang lahat ng PWD sa bansa. Isang kahalintulad na panukala na ang naihanin sa Senado. | ulat ni Kathleen Forbes