Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na may sapat silang pondo para tulungan ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na apektado ng Magnitude 7.6 na lindol sa Ishikawa Prefecture sa Japan.
Ayon sa DMW, hindi tumitigil sa pakikipag-ugnayan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Embahada ng Pilipinas sa Tokyo para bantayan ang sitwasyon ng mga Pilipino roon.
Batay sa abiso ng DMW, para sa mga kababayang mangangailangan ng tulong pinansyal, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa Migrant Workers’ Office sa Osaka.
Magpadala lamang ng mensahe via e-mail sa [email protected] o ‘di kaya naman ay sa [email protected].
May mga contact number ding ibinigay ang DMW para matawagan ng mga ka-anak ng mga OFW sa Japan para kumustahin ang kanilang sitwasyon o magpaabot din ng tulong. | ulat ni Jaymark Dagala