Nakipagpulong ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng Baguio ngayong araw.
Layon nitong talakayin ang panukalang framework para sa pagtutulungan ng DMW at Baguio LGU sa usapin ng pagpapadala sa ibang bansa at pagsasanay ng mga healthcare worker.
Pinangunahan ni Migrant Workers Undersecretary Patricia Yvonne Caunan at Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang naturang pulong.
Kabilang sa mga napag-usapan ang pagtugon sa kakulangan ng healthcare worker sa bansa.
Sa ngayon, nakikipagtulungan ang DMW sa iba’t ibang lokal na pamahalaan, pribadong sektor, at ibang bansa para sa scholarships at faculty development programs ng healthcare workers, teachers, at nurses.
Sa ilalim ng programa, ang mga scholar na sasailalim sa pagsasanay ay kailangan na magsilbi muna sa mga ospital sa kanilang lugar ng dalawa hanggang tatlong taon bago mai-deploy sa ibang bansa.
Tiniyak naman ng Baguio LGU ang buong suporta sa DMW sa pagpapatupad ng programa na makatutulong sa mga overseas Filipino workers at kanilang pamilya lalo pa ani Magalong ang Baguio ay may malaking populasyon ng nursing schools at students. | ulat ni Diane Lear
Photos: DMW