Patuloy na binabantayan ng Department of Energy (DOE) ang sitwasyon sa supply ng kuryente sa Western Visayas dahil sa nararanasang power outage partikular sa mga lugar ng panay at negros grid
Ayon kay Energy Undersecretary Rowena Guevarra, patuloy ang kanilang monitoring sa sitwasyon ng Western Visayas grid na nakakaranas ng grid voltage imbalance dahilan ng pagkakaroon ng black outs sa ilang lalawigan.
Kaugnay nito na inatasan na ng DOE ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para ma-restore ang load generation sa Western Visayas grid upang muling maging stabel ang supply ng kuryente sa rehiyon.
Samantala, inaasahan namang matatapos ng NGCP ang pag-stable ng supply ng kuryente sa mga susunod na oras. | ulat ni AJ Ignacio